i-s-a's VirtualTourist Home Page
| Page Views: 16,197 | Remembering Tatay by i-s-a - last update: Mar 5, 2009 |
|  | ROSARYO ika-17 ng Enero 2007 tula ni Nicodemus P. Corpus
Rosaryong sa ami’y naiwang pamana, sa bawat tahana’y dulot ay pagsinta. Yao’y nagbibigkis ng buong pamilya, na ang tinutungo’y langit ng ligaya.
O mahal na Ina, ang aming dalangin, kaming mga anak ay iyong kupkopin. Ilayo sa tukso at kami’y akayin, sa landas ng buhay, na dulot ay aliw. |
|  | Sa Iyong paglibot sa bawat tahanan, yao’y nagbabadya Niyong pagmamahal. Binibigyang lakas, kaming nalulumbay, na aming makamit, ligaya sa buhay.
Ang bawat misteryo, yao’y nagbabadya, ng landas ng buhay, ng Anak mong sinta. Mulang ipaglihi, hanggang ihandog na, sa sangkatauhan, ang tanging hininga.
Rosas na bulaklak ang kahalintulad, butil ng rosariong, anong gandang hiyas. Yaong mga dasal na inilalahad, papuri sa Iyo at Anak mong liyag. |
|  | Yaong pananalig laging palakasin, maging kaluluwa at katawan namin. Pag-ibig na wagas, sana’y paghariin, sa aming isipan, puso at damdamin.
O mahal na Ina salamat sa Iyo, sa mga pagkupkop, sa aming anak Mo. Yaong mga dasal, taglay ng rosaryo, magsilbing kalasag, sa tawag ng mundo.
Rosaryo is the poem he offered to Mama Mary before he passed away |
i-s-a's Albums | | | |
|
Comments for i-s-a | | | | |
anliz99 Wed Jul 8, 2009 01:45 UTC Thanks Isa! Have a wonderful day :) | xuessium Sun Jul 5, 2009 10:09 UTC Mabuhay Isa! Thanks for the BD greetings! | JohanIsWeg Thu Jul 2, 2009 05:34 UTC Hi Isa, Korea and the Phillipines is still on my wishlist. Your tips will be a goldmine when I start researching these destinations! Thanks. | ukirsari Wed Jul 1, 2009 13:31 UTC isa .. are you ok? i just back home again and miss to see you :) get well soon ... crossing fingers to meet you up someday. ps: i just finished an article about manila. now is in the magazine ;) |
|
|